Brownlee may sakit sa puso

MANILA, Philippines — High blood at sakit sa puso.
Ito ang mga dahilan ng hindi paglalaro ni naturalized player Justin Brownlee sa mga nakaraang kampanya ng Gilas Pilipinas sa August window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers at sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
“It’s because of his health situation. It’s not injury concerns that he’s having but health concerns,” ani Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa pagdalo niya sa pagdinig ng Senate Committee on Sports ni chairman Sen. Bong Go kahapon.
“He’s had health concerns regarding blood pressure, heart issues so he is not able to play at this point,” dagdag ng Barangay Ginebra mentor sa kanila ring resident import.
Huling naglaro para sa Nationals ang 38-anyos na si Brownlee sa July window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kasunod ang pagkawala niya sa August window ng qualifiers at sa Aichi-Nagoya Asiad.
Bigong maidepensa ng Gilas Pilipinas ang kanilang Asiad crown dahil hindi naglaro ang seven-time PBA champion at four-time Best Import awardee.
Ipinatawag ni Go ang nasabing Senate sports committee hearing dahil sa kabiguan ng Nationals na maidepensa ang Asiad title at ang performance ng Team Philippines sa Aichi-Nagoya Games.
Idinahilan ni Cone ang pagkakaroon ni Brownlee ng hamstring strain at peroneal tendinopathy sa kanang binti bukod sa pamamaga at cartilage defects sa kaliwang tuhod.
“Kapag nagtulungan tayo, kapag nagkaisa tayo, ang nasa gobyerno, ang PSC, ang POC, ang NSA, kapag nagtulungan po iyan malayo po ang ating mararating,” wika ni Go.
Huli namang sumalang si Brownlee sa PBA noong Hunyo 18 sa Game Seven ng 50th Season Commissioner’s Cup katapat ang TNT Tropang 5G.
Sinabi ni Cone na wala pang katiyakan kung kailan muling makakapaglaro ang one-time Asian Game at one-time Southeast Asian Games champion guard.
- Latest























