PNP idinepensa ang pagbuwag ng rally sa Mendiola
MANILA, Philippines —Idinepensa nitong Lunes ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuwag sa grupo ng mga raliyista na nauwi sa pisikal na komprontasyon sa pagitan ng mga demonstrador at ng pulisya na ikinasugat ng 16 guro at estudyante sa labas ng palasyo ng Malacañang sa Mendiola sa lungsod ng Maynila noong Linggo, Oktubre 4.
Ang grupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay naglunsad ng kilos protesta na kinalampag ang palasyo para sa P50,000 entry-level salary para sa mga guro; P5,000.
Ayon kay Nartatez, iginagalang ng PNP ang karapatan ng naturang grupo ng mga guro sa pagsasagawa ng demonstrasyon pero dapat din aniyang irespeto ang batas at sumunod sa regulasyon.
Sa panig ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, kinondena nito ang insidente dahilan hindi umano iginalang ng kapulisan ang karapatan ng mga guro sa panawagan ng mas mataas na sahod at benepisyo matapos na buwagin ang rally sa bisperas pa naman anya ng paggunita sa World Teachers’ Day.
Sa insidente ay nasugatan at 16 guro at mga estudyanteng nakilahok sa kilos protesta habang sinira rin umano ng mga pulis ang ilang personal na kagamitan ng mga nagdadaos ng demonstrasyon at kinumpiska ang dalawang megaphones na gamit ng mga ito na winasak ng mga pulis.

Joy Cantos Ludy Bermudo

- Latest