Truck operators, 3-araw suspinde biyahe
MANILA, Philippines — Tatagal ng tatlong araw ang tigil-biyahe na ikinakasa ng grupong Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) at sisimulan ngayong Martes, Oktubre 6.
Tinukoy ni CTAP Pres. Mary Zapata ang pinakamatinding problema ng kanilang industriya, isa na ang mataas na presyo ng langis, suliranin ng shipping line operations, unregulated destination charges, at truck ban policies na nakakaabala sa kanilang operasyon at kakulangan ng truck drivers.
Kahit hindi magsagawa ng transport holiday ay limitado na rin ang trucking operations na malaki aniya ang epekto sa kita ng mga operators.
Ani Zapata, nais nilang direktang makipag-usap sa pamahalaan para sa konkretong solusyon sa kanilang mga problema.
- Latest

















