^

Metro

2 paslit tumalon sa creek, nasagip

Angie dela Cruz, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang menor-de-edad na estudyante ang matagumpay na nasagip ng mga awtoridad makaraan ang mga itong tumalon sa sapa malapit sa Bernardo Park, Brgy. Pinagkaisahan, Quezon City nitong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.

Ang mga menor-de-edad ay nailigtas nang pinagsanib na mga ope­ratiba ng Kamuning Police Station (PS) 10 at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nang matanggap ang ulat sa pagtalon ng dalawang menor-de-edad sa sapa sa nasabing lugar ay mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng PS10 at ng BFP na nagsagawa ng rescue operations.

Ang mga menor-de-edad ay mabilis namang naiahon sa nasabing sapa ng mga operatiba na agad na dinala sa East Avenue Medical Center para sa medikal na ebalwayson at matapos ang mga itong magamot sa tinamong mga sugat at galos sa katawan bunga ng insidente.

Ayon sa report, ang babaeng menor-de-edad ay nakalabas ng pagamutan bandang alas-5:40 ng hapon habang ang lalaking menor-de-edad ay sumunod namang lumabas sa pagamutan dakong alas-6:12 ng gabi.

Idinagdag pa sa report na ang mga menor-de-edad na kapwa magkaklase ay itinurn-over na sa kanilang mga guardians.

Patuloy ang ginagawang pag-imbestiga ng pulisya sa insidente.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with