356 special permit sa Undas binubusisi ng LTFRB
MANILA, Philippines — Binubusisi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 356 sa special permit applications para sa kabuuang 1,003 na ruta para sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Greg Pua, Jr., ang aplikasyon ay upang makapasok ang mga pampasaherong sasakyan sa ibang ruta sa panahon ng Undas sa November 1 at 2 na dagsa ang bilang ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya para dalawin ang puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.
Mas mataas ang bilang ng aplikasyon sa ngayon kaysa sa Undas 2025 na may 323 sepcial permit applications.
Aniya sasalaing mabuti ang mga pampasaherong sasakyan na nais rumuta sa ibang lugar sa panahon ng Undas para matiyak ang road worthiness ng mga sasakya at tuloy maging komportable ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay.
Inatasan din ni Pua ang Regional Franchising and Regulatory Office (RFROs) personnel na tiyaking maayos ang mga bus terminals at tiyaking may compliance ang mga operator para sa kapakanan ng mga pasahero.
- Latest























