Ayaw nila sa Amerika kung hindi puti ang balat

Nakakagitla ang natuklasan ni Peter Buxtun nu’ng dekada-1960. Tatlumpung taon na pala ine-eksperimento ng US government ang epekto ng syphilis sa mga lahing negro. Pinababayaan ang mga lalaki na lumala ang syphilis, mabaliw, mabulag, maimpekta ang mga asawa, at magka-anak ng mga baldado rin ng nakamamatay na sakit.
Kinontra ni Buxtun ang kapabayaan ng US government, pero siniraan siya nito. Pinalabas na kesyo maangal siya at mainitin ang ulo kaya walang mga kaibigan. Napilitan siyang ibunyag sa media ang eksperimentong pinamagatang Tuskegee Syphilis Study.
Sinimulan ang eksperimento nu’ng dekada-1930. Nangalap ang US government ng daan-daang lalaking negro sa Alabama. Kesyo raw gagamutin ang kanilang “masamang dugo”. Sa totoo, pinag-aralan lang kung ano ang epekto ng lumalalang syphilis sa katawan ng tao. Naimbento na noon ang penicillin bilang panggamot sa impeksyon. Pero hindi ginamitan ng penicillin ang mga may syphilis.
Tinuturing noon ng mga Caucasians na mababang lahi ang negro. Nu’ng siglo 1700-1800 binibihag nila ang mga negro sa Africa para alipinin sa Amerika. Pinagsaka ng bulak at mais ang mga lalaki, at pinaglinis ng bahay ang mga babae. Tapos nagkaroon ng emancipation act nu’ng 1833. Binawal ang pag-alipin. Pinalaya ang mga negro. Ngunit ayaw silang paramihin.
Winalanghiya rin ng Caucasians ang Asians. Libo-libong Chinese ang dinala sa Amerika para maglatag ng Kinolonya ng Amerika ang Pilipinas nu’ng 1898. Hinikayat ang mga indio magtanim ng tubo at pinya sa Hawaii, at prutas sa California. Tapos, naimbento ang mga makinaryang pangsakahan. Dalawang beses nagkaron ng repatriation o pagpapauwi ng mga indio. Libreng pasahe sa barko. Una nu’ng 1935-1938, ikalawa nu’ng 1938-1940.
- Latest




















