^

PSN Opinyon

Kapag reklamo ang binalewala, magnanakaw ang lumalakas

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sa Barangay Culiat, Quezon City, hindi na sapat ang mga pangakong “babantayan” o “titingnan.” May mga residenteng nagrereklamo tungkol sa umano’y mga akyat-bahay at paulit-ulit na humihingi ng mas mahigpit na seguridad. Panawagan ng mga residente sa Barangay at Kapulisan na dumarami ang mga akyat-bahay. Huwag magpakaang-kaang.

Kung alam mismo ng mga kinauukulan na tumataas ang mga insidente ng nakawan sa ilang lugar, hindi dapat hintayin pang dumami ang mabiktima bago dagdagan ang pagbabantay at aksiyon. Hindi sapat ang pagtanggap ng reklamo. Hindi sapat ang paglista ng insidente. Hindi sapat ang pagsasabing “iniimbestigahan na.”. Kailangan ng presensya. Kailangan ng mabilis na pagtugon. Kailangan ng resulta.

Magpatupad ng mas mahigpit na ronda sa mga lugar na itinuturing na vulnerable. Suriin ang mga insidenteng nai-report. Palakasin ang koordinasyon ng barangay at kapulisan. At higit sa lahat, pakinggan ang mga residenteng paulit-ulit nang nagsasabi na may problema.

Dahil bawat nakawan ay hindi lang pagkawala ng pera o gamit. Para sa isang pamilyang pinaghirapan ang bawat ari-arian, ang bawat pagnanakaw ay pagkawala ng segu­ri­dad, kapa­natagan at tiwala. Hindi dapat kailangang may ma­­na­ka­wan muna bago kumilos ang mga dapat nagbabantay.

Huwag nang hintayin ang susunod na biktima. Huwag nang hintayin ang mas malaking insidente. Huwag nang hintayin na mawalan ng tiwala ang mga taong kayo mismo ang inaasahang magprotekta. Kung may lugar na alam ninyong tumataas ang nakawan, doon dapat mas pinaigting ang pagbabantay hindi doon dapat humina ang presensya.

Ang mamamayan ay hindi humihingi ng pabor. Humihingi sila ng seguridad. Humihingi sila ng aksiyon. At hinihingi nila ang serbisyong nararapat para sa kanila.

Dahil kapag ang reklamo ay patuloy na binabalewala, ang magnanakaw ang lalong nagkakaroon ng lakas ng loob para pagtawanan ang lahat ng nasa Barangay.                                                                                                                                         

RONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with