^

Bansa

2 sama ng panahon, ­binabantayan ng PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Alvin Pura, kahapon ng umaga ay namataan ang bagyong DuJuan sa labas ng PAR, nasa layong 2,970 kilometro silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at pagbugso na 90 kph, ngunit sa ngayon ay wala pang direktang epekto sa bansa at nasa timog-silangan ng Japan.

Samantala, isang weather disturbance na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang naitala sa layong 125 kilometro timog ng Puerto Princesa, Palawan. Kumikilos ito pa-kanluran, tatawid ng West Philippine Sea, at magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa naturang lugar.

Kalat-kalat na pag-ulan din ang inaasahan sa Visayas, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro dahil sa thunderstorm. Maulan naman sa Batangas, Quezon, at Bicol dahil sa epekto ng ITCZ.

Samantala, maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon sa umaga, ngunit pagsapit ng hapon o gabi ay posibleng magkaroon ng ulan dulot ng thunderstorm.

 

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with