^

Bansa

Marcos, pinamamadali bagong sistema ng class suspension

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang ahensiya ng gobyerno na bumuo ng bagong sistema para sa mas malinaw at mabilis na pag-anunsiyo ng suspensyon ng klase tuwing may masamang panahon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layunin ng sistema na agad maipaalam sa mga magulang at estudyante ang pagpapaliban ng klase, lalo na’t pabagu-bago ang sitwasyon ng panahon.

Ang pahayag ay ginawa isang araw matapos magpulong ang Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Gabinete sa Malacañang.

Giit ni Castro, mahalaga ang koordinasyon ng local government units (LGUs) at ng Department of Education (DepEd) upang maiwasan ang kalituhan.

“Ang proposal po kasi is sana magmumula sa local government. Kailangan magkaroon ng pagtutugma para hindi magkakagulo kung ia-announce ng mayor, governor o DepEd,” ani Castro.

Batay sa ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), isang public elementary school ang nawalan ng 20 teaching days sa School Year 2025–2026 dahil sa hazard-related suspensions — katumbas ng isa sa bawat sampung araw ng opisyal na school calendar. Tinatayang nawawala ang 1.4 araw ng reading progress kada araw ng suspensyon ng klase.

Giit ng Palasyo, ang bagong sistema ay makatutulong upang maiwasan ang miscommunication at masiguro na ang mga magulang at estudyante ay may tamang gabay kung kailan papasok o hindi. ??

 

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with