NPA sa Caraga Region, nag-collapse na! — Gen. Orio
Dineklara ng Eastern Mindanao Command na nag-collapse na ang terrorist group sa North Central Mindanao matapos mapatay sa enkuwentro ang top official nito na si Julia Cagadas, alias Rheda at tatlo pa at ang pagsuko ng tatlo rin nilang miyembro.Nagkaroon kasi ng sunud-sunod ng engkuwentro ang tropa ni Army Lt. Gen. Adonis Ariel G. Orio, EastmMinCom commander, at mga rebelde sa Barangay Bakingking, sa Esperanza, Agusan del Sur at natodas si Cagadas, ang regional secretary ng NCMRC. Kasama sa nasawi ay sina Rochamae Bihag alyas Maki, Finance Executive Committee member; Jonny Almonte Lindayo alias Kikoy/Bugkoy Ordnance Officer of Hq Force; at Gerald Basahon, alias Doydoy. Matapos ang engkuwentro noong September 11 at September 12, sumuko ang tatlo pang miyembro ng grupo ni Cagadas. Anim na high-powered firearms ang nakumpiska. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil sa mga hi-tech gadgets, marami ng sibilyan na naiinis sa pagha-harass ng NPA sa kabundukan, isang text lang nai-report na ang presensiya nila sa mga tauhan ni Orio. Kaya’t nagsagawa kaagad ng focused operation ang 4th Infantry (Diamond) Division at ang 403rd Infantry Brigade at hayun…nasentensiyahan ang tropa ni Cagadas. Nabawi ng tropa ng military ang tatlong M653 rifles, dalawang M16 rifles, at isang R4 rifle, kasama na ang ilang war materiel sa encounter site. Purbidang yawaahhhhh! Sa nasabing operation, sinabi ni Orio na napigilan ang element ng NCMRC na magpalaganap sa Agusan del Sur, at maka-establish ng foothold ang NPA sa Caraga Region. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
“The neutralization of the NCMRC Regional Secretary marks the culmination of our sustained campaign against one of the remaining organized armed threats in Northern Mindanao,” ayon kay Orio. “The collapse of the NCMRC is the result of sustained intelligence-driven military operations, effective inter-unit synchronization, the support of our local government units and partner agencies, and, most importantly, the continued trust and cooperation of our communities,” ayon pa ni Orio Mismooooo.
Kahit nakamtan na nila ang “milestone”, iginiit ni Orio na ang misyon ay hindi nagtapos sa naturang encounter. Aniya, ang EastMinCom ay patuloy na makipag-coordinate sa mga LGUs, law enforcement agencies, at mga stakeholders at komunidad upang pihgilan ang pagbalik ng puwersa ng mga NPA sa Caraga Region.Tumpak!
Sinabi ni Orio na ang grupo ni Cagadas ay kapos na sa supply na pagkain kaya’t napadpad sina sa Esperanza, ang komunidad ay ayaw sa presensiya nila. Abangan!
- Latest















