Ytang ipinalit kay Santos sa Alas Women Final 12

MANILA, Philippines — Nagdesisyon si Japanese coach Taka Minowa na ipasok sa Final 12 ng Alas Pilipinas Women’s indoor volleyball team si Niña Ytang sa kanilang paghataw sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Mas pinili ni Minowa ang middle blocker na si Ytang kesa sa opposite hitter na si Erika Santos para sa depensa ng Alas Women kasama sina Thea Gagate, Dell Palomata at Amie Provido.
Nauna nang isinama ang pangalan ni Ytang, dating University of the Philippines Fighting Maroons standout, sa original 21-player Alas Women pool na inihayag noong Hunyo.
Hindi naman kabilang ang pangalan ni Ytang sa sa initial 12 players na inilabas bilang shortlist ngayong buwan kung saan okupado ni Santos ang isang opposite hitter spot kasama si Alyssa Solomon.
Makakasama ni Ytang sa Aichi-Nagoya Asiad final lineup sina Solomon, Bella Belen, Eya Laure, Angel Canino, Jia De Guzman, Mars Alba, Dawn Catindig at Justine Jazareno.
Kasama ng Alas Women sa Group C ang defending champion at nine-time gold medalist China at Kazakhstan.
Kaagad makakatapat ng mga Pinay spikers ang mga Chinese sa Miyerkules kasunod ang mga Kazakhs sa Huwebes.
- Latest
























