^

PSN Palaro

WTA request ng kampo ni Alex Eala tagilid

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
WTA request ng kampo ni Alex Eala tagilid
Nauna nang inihayag ni Eala na nais nitong maglaro para sa Team Philippines sa Asian Games na gaganapin sa Nagoya, Japan.

MANILA, Philippines — Posibleng hindi ma­aprubahan ng Women’s Tennis Association (WTA) ang kahilingang mabigyan ng exemption si Alex Eala na hindi maglaro sa mandatory event na Beijing Open sa China.

Nauna nang inihayag ni Eala na nais nitong maglaro para sa Team Philippines sa Asian Games na gaganapin sa Nagoya, Japan.

Kasabay ng Asian Games ang Beijing Open.

Gaganapin ang Beijing Open sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 11 habang lalarga naman ang tennis event ng Asian Games mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3.

Dahil dito, sumulat ang Philippine Tennis Association (Philta) sa WTA para payagan si Eala na maglaro sa Asian Games nang walang penalty.

Ganito rin ang ginawa ng kampo ni Janice Tjen ng Indonesia na sumulat din sa WTA para mabigyan ng exemption.

Subalit inihayag ni Tjen na hindi pinayagan ng WTA ang kanyang kahilingan.

“After a lot of consi­deration, I’ve had to make the difficult decision that I won’t be able to compete at the Asian Games this year which take place at the same time as the mandatory WTA 1000 event in Beijing,” pahayag ni Tjen sa kanyang post sa social media.

Kaya naman nag-withdraw si Tjen sa Asian Games.

Sa halip, sasabak ito sa Beijing Open.

Wala pang inilalabas na statement ang Philta o ang kampo ni Eala sa resulta ng exemption request nito.

Kung hindi maglalaro sa mandatory event ng WTA, mapapatawan ang isang player ng zero-point penalty sa loob ng 52 linggo kasama pa ang multa na $10,000 o mahigit P600,000.

Malaki ang nakataya sa Asian Games dahil ang magkakampeon dito ay awtomatikong makakasiguro ng silya sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with