La Salle makikilatis agad kontra NU

MANILA, Philippines — Halos iisa ang nasa kukote ng ibang teams na kasali sa Season 89 ng UAAP collegiate men’s basketball championships--ito’y ang patalsikin sa trono ang defending champion na De La Salle University.
Para kay fourth season DLSU head coach Topex Robinson inaasahan nitong hindi magiging madali sa kanila ang ipagtanggol ang korona lalo na’t karamihan sa teams ay nagpalakas ng line up.
“Being the defending champions, we understand that expectations will always be there. We embrace that. We also know teams are going to bring their best against us, and that’s something we should be excited about,” ani Robinson.
Mapapalaban agad ang Green Archers sa kanilang unang laro, makakaharap nila ang National University ngayong alas-2:30 ng hapon sa Araneta Coliseum pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Far Eastern University at Adamson University sa alas-12 ng tanghali.
Nag-graduate na ang pambato ng DLSU na si Jake Figueroa pero may lakas pa rin ang Taft-based squad dahil maglalaro pa sa kanilang huling taon sa collegiate league sina Jacob Cortez, Mason Amos, Earl Abadam, at JC Macalalag.
Magkakasubukan naman ang last year’s runner up University of the Philippines at University of Santo Tomas sa alas-6 ng gabi.
- Latest























