^

PSN Opinyon

Idiniin ni Marcoleta ang sarili, nahabla (1)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Dire-diretso si Senator Rodante Marcoleta sa panayam ni brodkaster Nelson Lubao sa Net25 nu’ng Nov. 8, 2025:

“Ang mga kaibigan ko, nagbigay sa akin talaga. Isa lang pakiusap nila: tanggapin mo ang tulong namin sa iyo. Congressman ako noon. ‘Cong, kami po naniniwala na karapat-dapat kang makarating sa Senado; tanggapin mo ang halagang ito.’ Marami sila.

“Isa lang ang kanilang pakiusap sa akin. ‘Sana huwag mo na kaming i-disclose ang identity.’ Ngayon, kapag naglagay ako ng figure sa contribution, mapipilitan akong mag-disclose ng pangalan. Bakit? Merong kaakibat na deed of acceptance of donation.

“Sabi niya, ‘Hindi, ibinigay ko nga sa iyo contribution pero utang na loob mo sa akin ‘yan. Ituring mo na lang na utang,’ sabi niya, utang lang. Basta utang na hindi babayaran. Ibig sabihin utang na loob. Ngayon, dahil sa hindi ko pwedeng isiwalat ang kanilang identity, kaya sinabi ko, zero ang contribution. Mapipilitan ako na ­gawing zero ‘yon.

“Kapag nilagyan ko ng amount ‘yon, mapipilitan akong isa-isa i-disclose ang identity. Ngayon, hindi naman pwedeng hindi ko gastahin ‘yung binigay niyo sa akin. Kasi ang iba magkakakilala kayo. Halimbawa ang nilagay kong gastos ko roon, 5 million, makukuwenta nila.

“Tinago ni Cong Dante. Tignan mo nga naman ang buhay, nanalo na, kumita pa. Ayaw ko naman ‘yun kasi pinagtiwalaan nila sa akin ‘yan. Hindi pwedeng hindi ko gastahin sapagkat binigay nila sa akin ‘yan. Sapagkat gusto nilang manalo ako. Pinagtiwalaan nila ako. Mayroon bang batas, na magsasabi, pipilitin ko silang i-disclose?

“Kaya ganun kalaki ‘yung ginastos ko. Dahil binigay nila sa akin, ipinagkatiwala, dahil sa kagustuhan nila na manalo ako.

Idiniin ni Marcoleta ang sarili, anang Office of the Ombudsman. Hinabla siya ng plunder at bribery dahil sa pagtanggap ng P75 milyon nu’ng siya’y kongresista.

(Itutuloy bukas)

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with