^

PSN Opinyon

Masakit na balakang, likod paggising sa umaga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pananakit ng balakang o likod paggising ay kadalasang sanhi ng maling posisyon sa pagtulog, hindi akmang kutson, o pangangalay ng muscles.

1. Ayusin ang posisyon ng pagtulog: Humiga nang patihaya at maglagay ng unan sa ilalim ng iyong mga tuhod upang mabawasan ang pressure sa iyong balakang. Kung natagilid, ilagay ang unan sa pagitan ng iyong mga tuhod.

2. Tamang kutson: Siguraduhing sakto ang lambot o tigas ng iyong hinihigaan para suportahan ang natural na kurba ng iyong gulugod. Hindi puwede ang matigas na kahoy na higaan.

3. Init o lamig (hot or cold compress): Pili po kayo ano makaka-relax sa muscle ninyo. Gumamit ng ice pack sa unang 24-48 oras kung may pamamaga. Kapag wala nang pamamaga, gumamit ng heating pad para ma-relax ang naninigas na mga kalamnan.

4. Tamang pagbangon: Huwag biglang bumangon nang tuwid. Gumulong muna patagilid at gamitin ang iyong mga braso bilang tulong habang itinatayo ang katawan.

5. Huwag biglang yuyuko o magbubuhat ng mabigat kapag bagong gising, lalo na kung biglang magtatrabaho sa bahay. Mag light stretching muna.

6. Stretching o magaan na pag-unat: Mga light stretch tulad ng double knee-to-chest: Humiga nang nakatihaya. Dahan-dahang hilahin ang iyong mga tuhod papunta sa iyong dibdib gamit ang iyong mga kamay. Hawakan ito ng 15 hanggang 30 segundo.

7. Cat-camel stretch: Pumwesto nang nakaluhod ang mga kamay at paa (parang aso). Dahan-dahang ibaluktot ang likod pataas (tulad ng pusa) at pagkatapos ay ilubog ang tiyan pababa habang nakatingala. Ulitin ito ng 10 beses.

8. Child’s pose: Mula sa nakaluhod, ibaba ang iyong puwitan papunta sa iyong mga takong. Iunat ang iyong mga kamay paharap sa sahig at ilagay ang noo sa kama o sahig. I-relax ang likod at huminga ng malalim.

Doktor na dapat puntahan:

Rehabilitation Medicine Doctor para sa Physical Therapy.

BALAKANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with