^

PSN Opinyon

Mga alyas ‘gumising’ sa mga bayani

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Mainit na usapan ang muling nabuksan matapos ikumpara ni Senador Robin Padilla ang paggamit ng mga kontrobersiyal na alyas na “Mary Garce Piattos, Pagong, Pusa, Ngitngit” at iba pang mga pangalan na nasasangkot sa isyu ng confidential funds, sa mga bayani ng kasaysayan. Aniya, kung ang mga bayani gaya nina Bonifacio at Jacinto ay gumamit ng alyas, bakit hindi maaaring tingnan sa parehong lente ang mga kasalukuyang personalidad?

Mabilis itong umani ng binatikos. Ang alyas ng mga bayani ay ginamit upang protektahan ang kilusan laban sa kolonyal na paniniktik. Ito’y taktika ng rebolusyon, hindi pagtatago ng pondo. Ang alyas noon ay simbolo ng sakripisyo; ngayon, ang alyas ay nagiging simbolo ng pagdududa.

Kung ikukumpara, tila malayo ang konteksto. Ang confidential funds ay pera ng bayan, at anumang pagtatago ng pangalan o alyas sa usaping ito ay nagbubukas ng tanong sa kung sino ang tunay na may pananagutan? Ang alyas ng bayani ay para sa kalayaan; ang alyas ng politiko, kung gagamitin sa gitna ng isyu ng pondo, ay nagiging maskara ng accountability.

Hindi nakapagtataka kung bakit umani ng batikos ang pahayag ni Padilla. Sa halip na magbigay-linaw, nagdulot­ ito ng mas malalim na pagdududa. Ang kasaysayan ay hindi dapat gawing sangkalan para sa kasalukuyang kontrobersya. Ang bayani ay nagtatago ng pangalan para sa bayan; ang politiko, kung magtatago, dapat ipaliwanag kung para kanino.

Hindi masama ang paggamit ng alyas kung ito’y may makatuwirang dahilan. Ngunit kapag ginamit ito sa larangan ng politika, lalo na kung may kasamang isyu ng kredibilidad, nagiging mabigat ang simbolismo. Ang alyas ay nagiging maskara, at ang maskara, sa mata ng publiko, ay maaaring tanda ng pagtatago.

Ang alyas ay hindi lamang pangalan. Isa itong tanda ng intensyon. At sa politika, ang intensyon ang tunay na sinu­sukat ng taumbayan.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with