^

PSN Opinyon

Iwas colon cancer: Kumain ng wheat bread at brown rice

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtatanong sa akin na tungkol sa colon cancer. Paano ba iiwas dito?

Ang colon cancer ay isang kanser ng malaking bituka at tumbong (rectum). Isa ito sa pangkaraniwang kanser na natatagpuan sa taong edad 50 pataas. Ang dating presidente, Cory Aquino, ay namatay sa colon cancer.

Ang sintomas ng colon cancer ay ang pagbabago sa anyo ng dumi. Lumiliit ang hugis ng dumi, parang dumi ng kambing­, at minsan may bahid ng dugo. Namamayat din ang taong may kanser.

Para makaiwas sa colon cancer, ang taong edad 50 pa­­taas ay kailangan magpa-check ng colonoscopy o sigmoi­dos­copy. Ito ‘yung pagsilip sa ating puwit ng isang instrumento.

Malulunasan at maooperahan ang colon cancer kapag natuklasan ito ng maaga.

Paano iiwas sa colon cancer?

Ang kadalasang sanhi ng colon cancer ay ang paninigarilyo, pagkain ng matatabang pagkain (baboy at baka), at hindi pagkain ng gulay.

Heto ang puwede natin gawin:

1. Kumain ng tinapay na mataas sa fiber tulad ng wheat bread. Ang brown rice ay mataas din sa fiber.

2. Kumain ng 2 tasang gulay araw-araw. Ang gulay ay mayaman sa mga mabubuting phytochemicals at mataas din sa fiber. Mas hindi nagkaka-kanser ang mga taong mahilig sa gulay, tulad ng kangkong, pechay, patola, malunggay at okra.

3. May prutas na mataas sa fiber tulad ng balat ng mansanas, dalandan, pakwan at papaya.

4. Ang oatmeal ay masustansya at mabuti sa katawan. Sa araw-araw na pagkain ng 1 tasang oatmeal, mas bababa ang ating kolesterol at timbang. Maka-iiwas din tayo sa kanser sa bituka.

5.Kung kayo ay hirap dumumi (constipated), makatutulong din ang pagkain ng high-fiber foods tulad ng nabanggit na wheat bread, brown rice at gulay.

Magiging mas healthy ka na, at papayat ka pa.

CANCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with