^

PSN Opinyon

Mayaman ang mga magsasaka sa Australia

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang aking personal na obserbasyon sa aking dalawang linggong pag-stay at farm visit sa bansang Australia.

Una ay nakita ko na mayayaman ang mga magsasaka sa Austra-
lia dahil sa suportang ibinibigay sa kanila ng kanilang gobyerno.

Subsidize kasi ng pamahalaan ng Australia ang mga farm input at machinery ng mga magsasaka nila kaya naman magaganda ang kanilang mga ani.

Masigla ang programang farm tourism at fully supported din ito ng kanilang gobyerno.

High-tech ang gamit sa pagsasaka ng mga magsasaka, pagtikular sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim, pag-aalaga, pagpapatubig hanggang sa pag-ani.

Mula sa Sydney Australia na ang state ay New South Wales, Melbourne na ang state ay Victoria, Canberra at Queensland ay marami akong napuntahan na taniman ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas.

Ilan sa aking napuntahan ay ang ekta-ektaryang plantation ng brocolli, cauliflower, red and green repolyo, kale, iceberg lettuce, talong, labanos, sili, kalabasa, banana farm, avocado farm, macadamia farm, apple farm at marami pang iba.

Majority ay jumbo o giant ang harvest na gulay ng mga magsasaka sa Austrialia dahil sa suportang ibi-
nibigay sa kanila ng gobyerno.

Nawa ay ganyan din ang suportang ibibigay ng gobyerno ng Pilipinas sa ating mga magsasaka para makalasap ng ginhawa tulad ng tinatamasa ng mga magsasaka sa Australia.

Sa bawat farm na aking napuntahan sa Australia ay dinarayo at binibisita ng ma-
raming turista at hindi ka magugutom dahil magse-serve sila ng iba’t ibang especial na luto mula sa kanilang mga tanim.

May coffee shop, events area, restaurant, leisure parks ang bawat farm na aking napuntahan.

In a short period of time ay apat na state ng Australia ang napasyalan ko na kinabibilangan ng Sydney sa sakop ng New South Wales, Melbourne sa sakop ng Victoria Canberra at Gold Coast sa sakop ng Queensland.

Narating ko ang mga nasabing lugar dahil pinag-drive ako ng aking kaibigan at kumpare na si Jess Garcia, dating Reporter ng DZRH na ngayon ay nag-migrate na ang buong pamilya sa Australia.

Nais kung malugod na pasalamatan si Pareng Jess at Mareng Mayet, kids, Ate Rose at Manang.

Hindi ko makakalimutan ang mainit na pagtanggap ninyo sa amin, napakasaya at memorable ng tour namin sa magandang bansa na Australia.

For sure babalik ako sa Australia sa mga susunod pang mga buwan at taon dahil multiple ang visa na ibinigay sa akin ng embahada ng Australia.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood, mag-subs-
cribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pama-
magitan ng organikong pamamaraan.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with