^

Metro

PNP pinuri katapangan ng 3 pulis vs armed suspect sa Muntinlupa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang tatlong pulis sa Muntinlupa City dahil sa kanilang katapangan sa pagresponde sa isang armadong suspek ng panghoholdap noong Agosto 11.

Kinilala ni Nartatez sina Master Sgt. Alvin Cordero, Staff Sgt. Lloyd Francisco at Patrolman John Lee Macaraeg, na tumugon sa ulat ng panghoholdap sa East Service Road, Barangay Sucat.

Nabatid na nagtungo si Francisco sa suspek na nasa isang footbridge at ilang ulit itong hinimok na sumuko. Subalit itinutok ng suspek ang baril kay Francisco na nauwi sa pakikipagbuno ng dalawa.

Sa gitna ng komprontasyon ay pumutok ang baril at tinamaan sa leeg ang suspek. Agad siyang isinugod sa ospital ng Barangay Sucat rescue team para sa kaukulang lunas.

Narekober sa suspek ang isang walang lisensyang .45-caliber Colt pistol, isang magazine, tatlong bala, at cellphone at wallet ng biktima. Positibo rin ­siyang kinilala ng biktima bilang taong kumuha ng kanyang bag at mga gamit.

Ayon kay Nartatez, ipinakita ng insidente ang mga panganib na kinakaharap ng mga pulis sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Hinikayat din niya ang publiko na agad i-report sa 911 ang anumang krimen at makipagtulungan sa mga rumerespondeng awtoridad.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with