Lump sum sa infrastructure projects nasilip sa 2027 budget
MANILA, Philippines — Pinuna ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y kwestiyunableng lump sum appropriations para sa mga infrastructure projects sa panukalang 2027 national budget.
Ayon kay Lacson, nakita nila ang mga lump sum appropriations ng ilang ahensya ng gobyerno na posibleng kwestyunin sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Agosto 27.
“When we say lump sum appropriation, an aggregate amount is appropriated for a project, activity or program (PAP), or group of projects without detailing the breakdown of the cost of each PAP,” paliwanag ng senador.
Giit ni Lacson, hihingi sila ng mas malinaw na detalye hinggil sa naturang lump sum appropriations.
Pinapayagan ang lump sum para sa calamity funds dahil hindi matitiyak kung kailan tatama ang sakuna.
Subalit nagiging kwestiyunable umano ito kapag inilaan sa infrastructure projects, kaya dapat ipaliwanag ang breakdown ng pondo.
Nauna nang natanggap ng Senado ang P7.2 trilyon National Expenditure Program (NEP) noong Agosto 11, na magsisilbing batayan sa deliberasyon ng pambansang badyet para sa 2027.
- Latest






















