^

Probinsiya

Beauty queen, fiancé todas sa road mishap!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Beauty queen, fiancé todas sa road mishap!
Kinilala ang mga nasawi na sina Mutya ng Cauayan 2023 Alexis Ann Ramos, 25-anyos at ang boyfriend nitong si James Miguel, 30 taong gulang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang beauty queen at fiancé nito makaraang aksidenteng sumalpok ang kanilang kotseng sinasakyan sa isang nakaparadang truck sa national highway ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela noong Linggo (Agosto 9) ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mutya ng Cauayan 2023 Alexis Ann Ramos, 25-anyos at ang boyfriend nitong si James Miguel, 30 taong gulang.

Si Ramos ay nagtapos ng Business Administration sa Our Lady of the Pillar College sa Cauayan City.

Sa ulat ng Isabela City Police, nangyari ang insidente sa kahabaan ng highway ng lungsod habang lulan ang magka­sintahan ng Vios Sedan kung saan hindi umano napansin ni Miguel ang truck na puno ng kargang palay na nakaparada sa tabi ng kalsada.

Sa lakas ng pagka­kabangga, nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang dalawang biktima kung saan ang beauty queen at nobyo ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

Desidido ang pamilya ng mga biktima na sampahan ng kasong “double homicide” ang driver ng truck sa pagkamatay ng magkasintahan na malapit nang ikasal dahil sa umano’y hindi naglagay ng warning device sa lugar.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with