Baha, ‘di sagabal sa paghabol ng kriminal sa PRO3!
MAY baha man o wala, rumaragasa talaga ang accomplishments ng mga kapulisan sa Central Luzon sa liderato ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez habang papasok pa lang ang buwan ng Agosto. Habang tuloy ang operasyon kontra kriminalidad, hindi naman nagpabaya si Mendez sa disaster response dahil binaha ang iba’t ibang bahagi ng Central Luzon dulot ng Bagyong Maymay at Habagat. Patuloy na naka-deploy ang mga kapulisan sa PRO3 para sa search, rescue, evacuation, relief assistance, at iba pang pangangailangan ng mga apektadong komunidad. Iyan ang mahirap sa trabaho ng pulis.Hindi puwedeng sabihin sa kriminal na time out muna dahil may bagyo. At hindi rin puwedeng sabihin sa mga binabahang komunidad na teka muna dahil may hinahabol kami na kriminal. Parehong kailangang tugunan. Anong sey mo PNP spokesman Col. Allen Rae Co Sir? Purbidang yawaahhhhh!
Hindi pa man nangangalahati ang buwan ng Agosto, sunud-sunod na agad ang accomplishments ng PRO3 na naaayon sa malinaw na marching orders ni Mendez na bilisan ang aksiyon, habulin ang kriminal, at huwag hayaang tumagal ang mga kasong kayang resolbahin kaagad. Unahin natin ang kampanya laban sa wanted persons.
Sa loob lamang ng apat na araw, nadakip ng PRO3 ang lahat ng Top 10 Regional Most Wanted Persons para sa buwan ng Agosto. Sampung wanted persons sa loob ng apat na araw. Patunay ito sa pinaigting na intelligence gathering, manhunt operations, at koordinasyon ng mga operating units sa buong rehiyon. Get’s n’yo mga kosa? Sal-it! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa Bulacan, mabilis nabigyan ni PD Col. Jay Baybayan ng linaw ang kaso ng bangkay na natagpuang sunog sa loob ng isang sasakyan sa Guiguinto. Sa loob lamang ng 12 oras, dalawa sa apat na suspek ang naaresto habang nagpapatuloy ang pagtugis sa iba pang sangkot. Sa Angeles City, isang Chinese national na iniulat na kinidnap ang matagumpay na nailigtas sa isinagawang operasyon. Sa loob ng 24 oras, naaresto rin ang mga suspek.Hindi rin nakalusot ang suspek sa isang shooting incident sa Pampanga. Habang nagtatangka umanong tumakas, nasabat siya ng mga awtoridad sa isang bus terminal at naaresto sa loob din ng 24 oras mula nang mangyari ang insidente. Isang robbery-hold-up group naman ang nasakote, kasama ang kanilang lider. Tsk tsk tsk! Marami pang trabaho kaya lang kinapos ang espasyo ko! Abangan!
- Latest















