^

PSN Opinyon

Enjoy lang kahit traffic

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Nakailang Rosary ka na, nasa Cubao ka pa rin?

EDSA. 6PM. Umuulan. Lahat tayo nakatigil. Ang jeep hindi umuusad, ang Grab hindi gumagalaw, at ang pasensya mo ubos na. Sound familiar?

Ang traffic sa EDSA ay parang traffic ng buhay - hindi mo kontrolado, pero kontrolado mo ang reaksyon mo. Kaya, enjoy lang kahit traffic.

Magnilay tayo.

1. Ang paghinto ay hindi katapusan.

Sa Psychology, may forced pause. Kapag hindi ka na makatakbo, tinuturuan ka ng buhay huminga. Hindi parusa, kundi paalala. Baka masyado ka nang mabilis at nakalimutan mo nang magdasal.

Sabi sa Bible: “Tumahimik ka at alalahanin mong Ako ang Diyos.” (Awit 46:10). Pinapahinto ka ni Lord hindi para pahirapan, kundi para ipaalala: Siya pa rin ang nagmamaneho.

2. May kasabay ka.

Tingin ka sa kaliwa, sa kanan - lahat stuck. Hindi ikaw lang ang late, hindi lang ikaw ang pagod. Akala natin tayo lang ang naiwan, pero lahat may traffic na pinagdadaanan.

May kanya-kanyang EDSA. At ang maganda? Sabay-sabay tayong may patutunguhan. Hindi ka nag-iisa.

3. Enjoyin mo ang view.

Dahil mabagal, may time ka. Tumingin sa langit. Tumawag kay Nanay. Kumustahin ang matagal mo nang ‘di nakakausap.

Magpasalamat. ‘Yung dating hindi mo napapansin dahil sa pagmamadali, ngayon nakikita mo. Sa bagal, may biyaya.

4. Kay Lord, walang na-traffic at walang na-late.

Naalala niyo ang Talinghaga sa Mateo 20:1-16? May du­ma­ting nang umaga, may tanghali, at may humabol pa - isang oras lang nagtrabaho. Pero lahat tumanggap ng buong bayad!

Ganyan si Lord. Sa Kanya, walang na-late, walang nalimutan. Kung sa EDSA may penalty ang late, kay Lord may biyaya pa rin. Ang importante, dumating ka.

Kaya kapatid, kung traffic man ang buhay mo ngayon - sa trabaho, sa pag-ibig, sa pangarap - enjoy lang. Huminga ka.

Manalangin ka. Darating ka rin. At hinding-hindi ka male-late kay Lord.

Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal!

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with