^

Bansa

Legarda, Leviste sumibat ng Pinas – NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa labas na ng bansa sina Senador Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, Agosto 2 nang umalis ang mag-ina sa magkahiwalay na flights patungong Hong Kong, bago lumipad patungong France.

“Magkaiba na flight via Hong Kong pero parehong France ang final destination,” pahayag ni Matibag sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa niya, bumiyahe ang dalawa isang araw bago ilabas ang subpoena kay Leviste kaugnay sa umano’y “honey trap” scheme laban kay Executive Secretary Ralph Recto. Hindi nakadalo si Leviste sa patawag ng NBI dahil sa pag-alis ng bansa.

“Hindi umappear sa subpoena dahil nagbiyahe. Umalis. Parehas sila ni Senator Legarda na umalis,” ani Matibag kasunod ng hindi pagdalo ni Leviste sa patawag ng NBI.

Nauna nang sinabi ni NBI-NCR Director Emeterio Dongallo na may pagkakataon pa si Leviste na lumutang at magpaliwanag sa Agosto 11, kasabay ng imbestigasyon kay dating Negros Oriental Rep. Jing Paras na kabilang din sa pinadalhan ng subpoena.

Giit ni Matibag, imbitasyon pa lamang ang ipinadala sa kanila bilang bahagi ng due process sa fact-finding stage ng imbestigasyon hinggil sa mga nadiskubreng plot laban kay Recto at iba pang opisyal ng administrasyong Marcos.

Samantala, iniimbestigahan din ng Office of the Ombudsman sina Legarda at Leviste sa kasong plunder at graft kaugnay sa solar projects. Kinumpirma ni Sen. Erwin Tulfo na naghain ng medical leave si Legarda, na hindi na rin sumipot sa tatlong impeachment trial ngayong linggo.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with