^

Bansa

House bill vs system loss charges itinulak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
House bill vs system loss charges itinulak
Power lines are tangled along E. Rodriguez Sr. Avenue in Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Itinulak sa Kamara ang panukalang batas na nagbabasura sa system loss.

Layon ng House Bill No. 10430 o System Loss Charge na alisin ang system loss charge bilang hiwalay na bayarin sa buwanang singil ng kuryente.

Ayon sa panukala, hindi na dapat magbayad ang mga tapat na consumer ng kuryente para sa mga pagkalugi na dulot ng pagnanakaw ng kuryente, sirang metro, mahinang sistema ng paniningil, kakulangan sa maintenance, hindi maayos at episyenteng operasyon o kapabayaan ng mga distribution ng utility.

Sinabi ni House Majo­rity leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, isa sa mga pangunahing prayoridad ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pagbaba ng mataas na halaga ng kuryente.

Sa ilalim ng panukala, hindi na maaaring ipasa ng mga distribution utility sa mga konsyumer ang mga hindi pinapayagang system loss sa pamamagitan ng wheeling charges, supply charges, metering charges, universal charges, subsidies o anumang iba pang singil na nakalagay sa buwanang bill.

Habang itinatakda rin ng panukala na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang magtatakda kung anong limitadong bahagi ng kuryenteng kinakailangan sa normal at episyenteng operasyon ng distribution network ang maaaring maisama sa distribution wheeling charge.

Hindi na rin maaaring ipasa sa mga nagbabayad na konsyumer ang mga gastos na dulot ng iligal na paggamit ng kuryente, power theft, at pagnanakaw o pagsira sa mga linya, ka­gamitan at iba pang pasilidad ng kuryente.

Mananatili naman ang karapatan ng mga distribution utility na mabawi ang makatwiran at kinakaila­ngang gastusin para mapanatili ang maasahan at tuluy-tuloy na sebisyo ng kuryente at ang kanilang katatagang pinansyal.

LOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with