^

Punto Mo

Multi party system ang nagpalala ng korapsyon

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

Malaki ang idinulot na kapahamakan sa buong bansa kesa pakinabang ang naging resulta ng UniTeam nina PBBM at VP Sara na inakala ng marami na  binuo para magkatulungan at ma­pasagana ang pamumuhay ng mga Pilipino. Naging kampo ng intriga at maruming pulitika na nagresulta ng mas magulong pamumuhay sa mga Pilipino. UniTeam o UniThieves na naging SaloTeam!

Isinaksak sa isipan ng mga botanteng Pilipino ang ligaw na katotohanan na binuo ng may maruruming isip na mga pulitiko dahil sa pansariling kapakanan kaya pilit nilang isinulong ang multi party system noong 1987 at nagsimula noong 1992 National Election.

Katotohanan na nagsimula ang bangungot ng bansa sa ilalim ng UniTeam na pinaghalong Marcos loyalists at dating magkakaaway na singaw ng Multi Party System. Si Martin Romualdez na pinsan ni Bongbong ang naging Speaker ng Kamara na inaambisyon pala ni Cong. Gloria M. Arroyo, kaya noong kalagitnaan ng 2025 ay nagplano na sipain si Martin. Isa kasi si GMA sa bumuo ng UniTeam kaya malamang na isa sa  mga kondisyones ‘yun na hindi daw tinupad ni Bongbong. Ooops!

Natuluyang mapalitan si Martin matapos ang SONA 2025 ni Bongbong ng sumambulat sa loob ng kamara ang katagang ‘‘mahiya naman kayo’’ dahil sa mga nadiskubreng mga ghost projects na nagbunga ng male-maletang ninakaw na pera ng bayan at nagkabukolan kaya sumabog. Tumakas si dating HOR appropriation committee chairman Zaldy Co na siyang nag-atado ng pera at naiwan si Martin na imposible diumano’ng walang alam sa nangyari. Naka-dyakpat ba?

Kaabang-abang ang bibigkasin ni PBBM sa darating na SONA 2026 dahil makaraan ang isang taon matapos bigkasin nito ang ‘‘Mahiya naman kayo’’ ay sumambulat na ang isyu sa ghost projects na umabot na sa hagdanan ng Malacañang. Kaya ba nag-resign si ES Lucas Bersamin noong November 17, 2025?

Mas mabuti pa na bumalik na tayo sa two party system na Liberal Party at Nacionalista Party  dahil mas madaling basahin at tukuyin ang magnanakaw na grupo. Hindi tulad ngayon na may Partylist Congressman pa na tulad ni Zaldy Co na isa lamang sa mahigit 300 political party na rehistrado sa Comelec.  Magnanakaw nga ba rito ang karamihan? He he!

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with