Timing ng bagong ayuda, kinuwestyon ni Cayetano

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Senador Alan Peter Cayetano ang timing ng magkakasunod na pag-aanunsiyo ng pamahalaan ng mga programang pinansyal na ayuda.
Ayon sa senador, ang pagkakaantala sa pamamahagi ng malalaking cash aid ay may kaugnayan sa sistematikong katiwalian at sa tinatawag na mga “ghost projects” o mga proyektong umiiral lamang sa papel.
Sa isang Facebook livestream nitong Biyernes ng gabi, iginiit ni Cayetano na bagama’t mabuting hakbang ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan, nararapat pa rin siyasatin ng publiko kung saan nagmumula ang pondo at kung paano ito ipinamamahagi at ginagamit.
Noon aniyang ipinatupad ang lockdown dahil sa pandemya noong 2020, isinulong niya nag pagbibigay ng P10,000 cash assitance sa ilalim ng Bayanihan 1 pra matulungan ang mga manggagawang labis na naapektuhan kabilang ang mga tsuper ng tricycle.
Giit pa ng senador, ipinagpatuloy niya ang pagsusulong ng P10,000 na ayuda para sa malilit na negosyo at mga may sakit noong 2022-2023 subalit tinutulan ito ng administrasyon, ngunit ngayon ay magagandang halaga ang inaanunsiyo na ibibigay na ayuda.
Nauna nang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mamamahagi ang bagong financial assistance sa mga low-income Filipino para maibsan ang panibagong epekto ng oil price hike dulot ng tensyon sa Middle East.
- Latest

























