^

Metro

Mga pampasabog narekober sa junk shop

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Inakalang scrap metal

MANILA, Philippines — Nabulaga ang may-ari ng isang junk shop nang makita ang nasa pitong mga pampasabog na naisama umano sa trak ng kanyang trabahador sa Project 4, Quezon City.

Maingat namang na­rekober ng Quezon City Police District (QCPD) ang pitong piraso ng kalawanging 60 mm High Explosive (HE) M49A2 mortar rounds sa loob ng isang junk shop sa F. Castillo St., Brgy. Bagumbuhay, Project 4, Quezon City, alas-9 ng umaga noong Linggo, Hulyo 12.

Lumitaw sa imbestigasyon na nadiskubre ng may-ari ng junk shop ang mga pampasabog habang nagbababa ng scrap materials na galing pa sa kanilang sangay sa Sitio Cabading, Bgy. Inarawan, Antipolo City. 

Aksidente umanong naisama sa trak ng isa sa mga trabahador ang live mortar rounds sa pag-aakalang ordinar­yong bakal o scrap metal lamang ang mga ito.

Agad namang rumes­ponde ang Project 4 Police Station 8 katuwang ang District Explosives and Canine Unit (DECU) upang maglatag ng security perimeter at isagawa ang Render Safe Procedure (RSP).
Ligtas na dinala ang mga pampasabog sa pasilidad ng DECU para sa tamang disposisyon, at walang naulat na nasugatan sa operasyon na natapos alas-10:15 ng umaga.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with