^

Bansa

Castro kinuyog ng mga raliyista sa Canada

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Castro kinuyog ng mga raliyista sa Canada
Presidential Communications Undersecretary Claire Castro speaks at a Malacañang press briefing.
Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Hinarass ng ilang Pinoy si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro habang nasa Vancouver, Canada.

Si Castro ay kabilang sa delegasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Vancouver para sa apat na araw na state visit.

Sinabi ni Castro na gumagawa sila ng reels tungkol sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa nasabing bansa ng lapitan sila ng isang Pinoy na nagtanong kung siya si Usec. Claire na sinagot naman niya.

Subalit bigla na lang aniya itong sumigaw na “you ask your president to resign” at kinuyog na sila. Wika ni Castro, nagtatrabaho sila at hindi nagbabakasyon at ginagawa lang ang kanilang trabaho.

Hindi naman matukoy ni Castro kung anong grupo ang nang-harass sa kanila subalit ang mga naratibo ng mga ito ay pinagbibitiw ang Pangulo, maleta, magnanakaw at tinawag din aniya siyang panget at magnanakaw.

Sinundan-sundan din aniya ng grupo ng mga Pilipino si Castro at kanyang kasama at pinagmumura.

Nakaramdam naman aniya ng takot si Castro at banta sa kanyang buhay dahil dalawa lang sila at baka posibleng saktan sila dahil mukhang sanay sa bayolente ang mga ito tulad ng iniidolo nila.

Laking pasalamat naman ni Castro na sa kanilang pagtawid ay may ilang pulis sa lugar na kanilang hiningan ng tulong dahil sumusunod sa kanila ang nasabing grupo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with