^

Metro

PNP sa mga magulang: Tumawag sa 911

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Kung may pagbabago sa ugali ng anak

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang na agad tumawag sa 911 o humingi ng tulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung mapapansin ang hindi pangkaraniwang pagbabago sa pag-uugali ng kanilang mga anak upang maagapan ang posibleng pagkakasangkot ng mga ito sa mga online extre­mist group.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalagang mabantayan ng mga magulang ang online activities ng kanilang mga anak dahil maaaring magbunga ng negatibong epekto ang labis na pagkakalantad sa online violence at iba pang mapaminsalang nilalaman. Aniya, bukas ang 911 upang magbigay ng agarang interbensyon sa mga kasong may kaugnayan sa online threats.

Ang pahayag ng  PNP ay kasunod ng ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros na ang umano’y groomer ng mga menor de edad na sangkot sa pamamaril sa Tacloban City ay may hinihina­lang koneksiyon sa isang transnational online group na umano’y nag-uudyok ng karahasan at ekstre­mismo sa mga kabataan.

Sinabi ng PNP na pa­tuloy nilang sinisiyasat ang posibleng ugnayan ng naturang grupo sa pag­rerekrut ng mga menor- de-edad. Pinakilos na rin niya ang Anti Cyber Group upang ma-trace ang mga posibleng pinanggagaling nang mararahas na laro.

Binigyang-diin ni Nartatez na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga dayuhang law enforcement agencies upang matukoy at mapigil ang operasyon ng mga grupong nagsasamantala sa mga kabataan sa online platform.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with