^

PSN Opinyon

Bayabas Farm...Ex-PLDT employee to full time farmer

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang payak na buhay na tinatahak ng dating empleyado ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) ngayon ay full time farmer ng bayabas farm sa Batangas.

Ang aking tinutukoy ay si Dante Ca-
timbang, Technical Consultant Lucky Sugar Cane Farm sa Padre Garcia, Ba-
tangas.

Si Dante ay isang engineer at 20-taong empleyado ng PLDT.

Nag-early retirement si Dante at nag-full time na magsasaka.

Aniya, back to basic siya sa pagsasaka dahil iyon ang trabaho ng kanyang mga magulang noong maliliit pa sila sa kanilang probinsiya sa Cotabato.

Sinabi ni Dante, mga prutas ang kanilang mga tanim dahil mas maganda itong pagkakitaan kumpara sa ibang pananim.

Bilang Technical Consultant ng Lucky Sugar Cane si sinubukan nila ang pagtatanim ng Bayabas sa Batangas.

Una silang nagtanim ng 2,000 puno ng bayabas sa dalawang ektarya, ngayon ay 8,000 na puno na, nakatanim sa walong ektarya.

“May pitong iba’t ibang uri ng variety ang aming mga tanim ngayon at ang mabili ay iyong matamis, malutong at masarap na guapol o bayabas na mistulang apple,” pahayag pa ni Dante.

Majority sa mga tanim nila Dante ay iyong malalaki na tumitimbang ng 700-grams to 1-kilo ang isang piraso.

Ani Dante, maganda ang kita sa ba-
yabas at malaki ang market o naghahanap nito.

“Hindi namin problema ang buyer, katunayan ay nag-aagawan pa sila kapag harvest season na,” aniya.

Pahayag ni Dante na ang isa puno ng bayabas na tanim nila ay puwedeng makapamunga ng 200 to 300.

“Ang farm gate price ngayon ay P70 kada kilo. Minsan ay isang piraso lang ay isang kilo na,” ani Dante.

Sinasadyang ma-ging mababa lang ang kanilang mga tanim na bayabas para hindi mahirap ibalot sa diyaryo at plastic.

“Kulay blue na plastic ang gamit naming sa pagbabalot para hindi makita at makagat ng fruitfly ang mga bunga,” pahayag pa ni Dante 

Ayon kay Dante, mahalaga na mali-
nis sa loob ng farm, walang dumi at damo para walang lalapit napanirang insekto.

“Dapat ay tutok ka pag-aalaga ng bayabas at may personal kang kaalaman para sila ay magbunga ng marami,” sabi pa ni Dante.

Bukod sa bayabas ay naka-intercrop din ang mga papaya at iba pang prutas sa Bayabas Farm. May tanim din sina Dante ang napakasarap at napakatamis na pinya, choconan ng mangga at iba pa.

Ngayong Linggo, July 5, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Dante Catimbang  sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with