Kasaysayan sa Albay: Unang DS Hub sa’Pinas wala ng batang maiiwan
INAANYAYAHAN ng NORFIL Foundation, Inc., katuwang ang Liliane Fonds, Paul Foundation ng Netherlands, at ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) ang lahat ng kinatawan ng media na saksihan ang makasaysayang pagbubukas ng Developmental Care and Support Services Hub (DS Hub) para sa mga batang may kapansanan sa Hulyo 14, 2026 sa Heart Center Building ng BRHMC sa Daraga, Albay.
Mula sa dating Down Syndrome Hub, mas pinalawak na ngayon ang saklaw ng DS Hub upang maging isang kumpleto at multi-disiplinaryong sentro na magbibigay ng serbisyo sa mga batang may iba’t ibang developmental disabilities. Matapos ang groundbreaking ceremony noong Marso 14, 2025, ganap nang nakatayo ang kauna-unahang Developmental Care and Support Services Hub para sa mga batang may kapansanan sa buong Pilipinas.
Hindi ito basta pagbubukas ng isang gusali. Isa itong matibay na pahayag na wala ni isang batang dapat maiwan dahil lamang sa kanyang kalagayan. Bawat bata ay may karapatang makatanggap ng dekalidad na pangangalaga, maagap na interbensyon, at pagkakataong maabot ang buong potensyal ng kanilang buhay.
Makiisa sa amin sa makasaysayang okasyong ito. Samahan ninyo kaming ihatid sa publiko ang kuwento ng pag-asa, malasakit, at konkretong pagkilos para sa kinabukasan ng mga batang may kapansanan.
Disclaimer: Ang artikulong ito ay inihanda batay sa opisyal na impormasyon mula sa mga organizer at inilathala para sa layunin ng pagbibigay ng tumpak at napapanahong impormasyon sa publiko.
- Latest















