Pangulong Marcos ‘heartbroken’ sa Tacloban shooting

MANILA, Philippines — Heartbroken si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malaman nito ang nangyaring pamamaril ng dalawang kabataan sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang mga insidente ng school violence, ang mga mararahas na nangyayari sa ating bansa ay hindi na katanggap-tanggap, mas lalo kung kabataan ang nasasangkot.
“Nung nabalitaan ng Pangulo ang nangyari sa Tacloban, heartbroken ang naramdaman ng Pangulo dahil kabataan ang lumalabas na gumawa ng krimen, at inosenteng kabataan ang nabibiktima,” saad pa ni Castro.
Muli namang iginiit ni Castro na aaralin ni Pangulong Marcos ang panukalang pagbaba sa age of criminal liability para malaman kung ano ang nararapat para sa taumbayan.
- Latest




















