^

Bansa

Gardo papasok sa PAR ngayong Huwebes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Higos ngayong Huwebes, June 25.

Ayon sa Pagasa, oras na pumasok sa PAR si Higos, ito ay tatawaging bagyong Gardo.

Kahapon, alas-10 ng umaga, si Higos ay huling namataan sa layong 2,120 kilometro silangan ng Gitnang Luzon at patuloy na kumikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 km bawat oras.

Taglay ni Higos ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km bawat oras at m pagbugso na 80 km bawat oras.

Sa ngayon si Higos ay walang direktahang epekto sa lagay ng panahon at kondisyon ng karagatan sa bansa.

Samantala, patuloy naman ang paghina ng bagyong Francisco habang kumikilos sa hilagang bahagi ng bansa na inaasahang lalabas ng PAR sa Biyernes.

Huling namataan ang sentro ni Francisco sa Basco, Batanes na nagpapaulan din sa hilagang bahagi ng bansa.

PAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with