^

Bansa

PNP pabor sa 12-anyos edad ng criminal liability

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng Philippine National Police (PNP) na gawing 12-anyos ang minimum age ng criminal liability mula sa edad na 15.

Ito ang tugon ni PNP Information Chief at spokesperson P/Col. Allen Rae Co sa panawagan na ibaba ang edad para sa criminal liability kasunod ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Brgy San. Jose sa Tacloban City.

Sa press briefing, tinanong si Co kung suportado nila ang nasabing panawagan at ang sagot nito ay oo.

Sa tanong naman kung ilang taon ang nais nitong edad na ibaba ang criminal liability, sagot ng opisyal ay 12 taong gulang.

Ayon sa PNP, nakikita nila ang pangangaila­ngang amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act dahil sa dumaraming bilang ng mga menor-de-edad na sangkot sa iba’t ibang krimen.

Pero nilinaw ng PNP na hindi awtomatikong makukulong ang bata dahil lamang sa kanyang edad. Kailangang patunayan na kumilos ito ng may discernment o alam niya ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Pinuna rin ng PNP na ginagamit ng mga sindikato at kriminal ang mga bata upang gumawa ng krimen dahil alam nilang ligtas ang mga ito sa pagkakakulong sa ilalim ng umiiral na batas.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with