Shinjuku Givers kampeon
CEBU CITY , Philippines – Tameme ang home crowd matapos kaldagin ng Shinjuku Givers ng Japan ang pambato ng bansa na Uratex Dream, 21-8, upang pagreynahan ang kauna-unahang Cebu Hustle 3x3 kahapon dito sa SM Seaside City.
Rumatsada sa 9-0 simula ang Japanese team at hindi na muling lumingon pa tungo sa kumbinsidong panalo upang walisin ang makasaysayang 12-team tournament na suportado ng Uratex, Smart at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Tinanghal na MVP si Ester Ibeh ng Nigeria matapos kumamada ng 7 puntos at 5 rebounds sa finale sa tulong nina Yumi Takakuwa, Mizuho Naho at Mila Mori na siyang nagbuslo ng pampanalong deuce kahit may 1:31 pa sa orasan.
Nakasama ng 6-foot-1 na si Ibeh sa Mythical Three sina Chinese reinforcement Renzhu Li ng Uratex Dream at Japanese import Kiri Endo ng CT Tigers ng Thailand.
Wagi ang Givers ng 3,000 US Dollars habang 2, 000 USD naman ang sa Uratex Dream na nagkasya sa kanilang ikalawang sunod na silver medal matapos ding pumangalawa sa Flowlish Gunma ng Japan sa Manila Hustle.
- Latest

















