^

Metro

Mga barangay sa Quezon City sinanay para sa lindol, bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim ng Quezon City government sa disaster preparedness training ang mga miyembro ng barangay disaster councils sa lahat ng distrito ng lungsod upang mas maging handa sa oras ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad.

Ayon kay QC Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) head Maria Bianca Perez, taun-taon nilang isinasagawa ang pagsasanay upang ma­bigyan ng sapat na kaalaman ang mga opisyal ng barangay kung paano tutugon sa mga emergency sa kanilang komunidad.

Bukod sa pagsasanay, nagbigay na rin ang lungsod ng mga kaga­mitan tulad ng bangka, bota at iba pang rescue equipment na magagamit sa panahon ng pagbaha.

Sinabi rin ni Perez na mahigpit nilang mino-mo­nitor ang siyam na bara­ngay na nasa kahabaan ng West Valley Fault, kabilang ang Bagong Silangan, Batasan Hills, Bagumbayan, Libis, Matandang Balara, Pansol, Ugong Norte at White Plains.

Nakikipag-ugnayan din ang DRRMD sa MMDA at iba pang ahensiya upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang sakuna.

Samantala, mayroon nang dalawang catch basin sa Araneta Avenue at Commonwealth Avenue para makatulong sa pagbawas ng pagbaha. Tatlo pa ang kasalukuyang itinatayo sa iba pang bahagi ng lungsod bilang paghahanda ngayong tag-ulan.

DISASTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with