Robin di ‘ikakanta’ lungga ni Bato

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Robin Padilla na sakaling alam niya ang pinagtataguan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay hindi umano niya ito sasabihin.
Napaulat ang sinabing ito ni Padilla matapos niyang dumalaw sa burol ng student-athlete na si Rene Baterbonia sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.
“Kahit alam ko, hindi ko sasabihin sa’yo,” pahayag umano ni Padilla.
Si Padilla ay nahaharap sa reklamong obstruction of justice matapos aminin na siya ang kasama ni dela Rosa na lumabas ng Senado noong Mayo 14, 2026.
Matatandaan na nagbalik sa Senado si dela Rosa matapos ang anim na buwang pagtatago upang bumoto para kay Sen. Alan Peter Cayetano sa isinagawang kudeta laban kay dating Senate president Vicente “Tito” Sotto.
- Latest















