PANOORIN: DepEd: 48,000 public schools, 200 security guards lang
MANILA, Philippines — Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na nasa 200 lamang ang plantilla positions para sa security guards ng halos 48,000 pampublikong paaralan sa bansa.
Kasunod ito ng mga insidente ng karahasan at banta ng school shooting sa iba't ibang lugar, kabilang ang Tacloban, Batangas City at Escalante City.
Ayon kay Angara, humiling na ang Department of Education sa Department of Budget and Management ng karagdagang pondo at mga posisyon para mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.
Sa kasalukuyan, marami sa mga pampublikong paaralan ang kumukuha ng security personnel mula sa pribadong security agencies.
- Latest


















