Meralco, may dagdag singil sa June bills

MANILA, Philippines — Ianunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng P0.1488 kada kilowatt-hour (kWh) na dagdag sa kanilang household electricity rate ngayong Hunyo.
Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay bunsod ng mas mataas na generation charge, na dulot ng serye ng yellow at red alert sa Luzon grid noong Mayo.
Bunsod ng taas-singil, ang overall household rate ay aabot na sa P14.4833/ kWh ngayong Hunyo mula sa P14.3345/kWh lamang noong Mayo.
Anang Meralco, ang naturang upward adjustment ay katumbas ng P29.76 increase sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.
- Latest

















