^

Bansa

Sen. Raffy: ‘18 kargadors’ hindi mga bayani!

Pilipino Star Ngayon
Sen. Raffy: ‘18 kargadors’ hindi mga bayani!
Senator Raffy Tulfo
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Sen. Raffy Tulfo ang kredibilidad ng 18 na dating bodyguard ni dating kongresistang si Zaldy Co na tinawag niyang “18 kargadors.” Binatikos din niya ang pagtawag sa kanila bilang “18 marines” at maging “mga bayani.”

Sa consultative meeting ng Senate Blue Ribbon nitong Hunyo 8, sinabi ni Sen. Raffy na binabansagan silang mga bayani at dating marines upang magmukhang kapani-paniwala sa publiko habang naglalabas umano ng mga alegasyong walang sapat na batayan.

“Simulang-simula pa lang na tinawag silang 18 marines, may panlilinlang na agad. ‘Yung bansag na 18 marines ay isang ­paraan upang pabanguhin sila sa publiko. ‘Matik po kasi ‘yan ‘pag sinabing marines aba iba po ang respeto ng mga tao. Pero hindi naman po silang lahat ay dating marines. At mahigit kalahati sa kanila ay discharged without honors or dishonorably discharged from service for various offenses,” ani Tulfo.

Nagpaalala rin si Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na maging maingat sa pagbibigay ng titulong “bayani” sa mga indibidwal na sangkot sa mga seryosong alegasyon.

“Putting them on a pe­destal. Dahil hindi naman talaga totoo because that will be a reflection of you,” ani Tulfo. “Tatawagin mo ang mga taong umamin naman na nag-deliver ng mga kickback sa kung sinu-sinong poncio pilato. So therefore, matatawag silang sindikato. So kung tatawagin mong bayani ang isang sindikato, sindikato ka rin.”

Pinagdudahan din niya ang kanilang pahayag na nakatanggap sila ng mga bagong iPhone 16e units noong 2024 kapalit ng kanilang pananahimik sa umano’y flood control cash-delivery scheme, gayong ang naturang modelo ay available lamang para sa pre-order noong 2025.

Nagpahayag din ng pagdududa ang senador mula sa Isabela at Davao sa pahayag ng 18 bodyguard na ang ilan sa pondong sangkot sa usapin ay ipinapalit sa US dollars sa isang money changer sa Makati malapit sa Pearlbank Center.

“Aking pinasilip ang lugar na iyon sa Makati at tila walang record ng Money Changer sa Pearlbank Building. Dapat makumpirma ito,” saad niya.

Sa huli, sinabi ni Tulfo na tila may mga taong nagsusubo ng impormasyon sa tinaguriang “18 kargadors” dahil nahihirapan umano silang ikuwento ang kanilang sariling bersyon ng mga pangyayari.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with