Cayetano mag-Facebook Live ka na lang - Lacson

MANILA, Philippines — Pinasaringan kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson si Sen. Alan Peter Cayetano na mag-Facebook Live na lamang ito kung wala sa panig niya ang batas at ang katotohanan.
Inihayag ito ni Lacson matapos mag-Facebook Live muli si Cayetano nitong Linggo, Hunyo 7.
“‘When you’re strong on the law, pound the law. When you’re strong on the facts, pound the facts. When you’re weak on both…’ — mag-Facebook live ka na lang,” sabi ni Lacson sa isang post sa X patungkol kay Cayetano.
Tinanong din ni Lacson kung ano ba si Cayetano kung hindi naman ito kinikilala ng mga institusyon bilang lider ng Senado.
“The Executive Department, House of Representatives, Integrated Bar of the Philippines, law deans, law professors, former Senate presidents, and many others do not recognize Senator Alan Cayetano as the President of the Senate. So, what is he?” ani Lacson sa X.
Puro Facebook Live lang aniya ang alam ni Cayetano – na nagpapakita na kahinaan nito sa batas at sa datos.
Binalewala rin ni Lacson ang pinakabagong alegasyon ni Cayetano na nakipagsabwatan umano siya sa Malacañang upang idiin ang ilang personalidad sa iskandalo sa flood control habang pinagtatakpan ang iba – at iginiit na pinagtibay ng Ombudsman at Sandiganbayan ang mga natuklasan ng Blue Ribbon Committee noong kanyang panunungkulan.
- Latest





















