^

Bansa

Sen. Erwin, nag-sorry sa marahas na pahayag

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sen. Erwin, nag-sorry sa marahas na pahayag
Senator Erwin Tulfo on March 5, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin si Senador Erwin Tulfo matapos ang kanyang marahas na pahayag ukol sa pagpapaaresto, pagkwelyo, at pagbibitbit kay Sen. Alan Peter Cayetano at sa ilang indibidwal palabas ng session or plenary hall. 

Ayon kay Tulfo, dala nang bugso ng damdamin ang kanyang mga salita sa hangarin na huwag nang maantala pa ang trabaho para sa bayan, ngunit aminado siyang mali pa rin ang naging asal. “Hindi po ito ang dapat na asal ng isang opisyal lalo na ng isang senador,” pahayag ni Tulfo.

“Lubos akong humihingi ng kapatawaran sa aking mga kasamahan at sa sambayanang Pilipino,” pahayag ng senador. Inamin niyang naapektuhan ang sesyon at hindi naituloy ang pagtalakay sa mahahalagang batas dahil sa bangayan.

Nanawagan si Tulfo sa kanyang mga kapwa senador na tapusin na ang pagkakawatak-watak at ituon ang oras sa paggawa ng batas at pag-imbestiga sa mga iregularidad. “Trabaho na lang tayo,” giit niya.

Dagdag pa ng senador, ang pagkakaisa ay hindi pag-atras sa laban kundi pagsasama-sama ng lakas upang protektahan ang samba­yanan. Sa panahon ng pagsubok, aniya, dapat isantabi ang personal na interes at unahin ang kapakanan ng bawat Pilipino. “Ipanalo natin ang Pilipino. Magkaisa tayo para maibalik ang integridad at tatag ng Senado,” pagtatapos ni Tulfo.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with