^

Bansa

AFP pumalag sa 18 ‘maleta boys’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP pumalag sa 18 ‘maleta boys’
The Cayetano-led Blue Ribbon Committee proceeds with its hearing on the flood control scandal on Thursday, June 4, despite the prohibition of Acting Senate President Sherwin Gatchalian for its resource speakers to enter.
Philstar.com / Martin Ramos

‘Wag idawit Marines!’

MANILA, Philippines — Upang hindi makaladkad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kontrobersya, nanawagan ang isang opisyal ng militar sa grupo ng nagpakilalang 18 dating miyembro ng Philippine Marines na gamitin na lamang ang kanilang mga indibidwal na pangalan at huwag ipangalandakan na sila’y dating bahagi ng kasundaluhan.

“For accuracy, we res­pectfully encourage the use of the individuals’ names, or simply refer to them as witnesses, affiants, or former staff/bodyguards of the concerned personalities, as appropriate,” ayon kay Col. Xerxes Trinidad, Chief ng AFP Public Affairs Office.

Batay sa rekord, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson Capt. Marissa Martinez na 14 sa mga nagpakilalang ex-Marines ay pawang dishonorably discharged o nasibak sa serbisyo dahil sa mabibigat na kasalanang nagdulot ng kahihiyan sa AFP. Samantala, apat sa kanila ay peke at kailanman ay hindi naging miyembro ng Philippine Navy o Philippine Marines.

Dagdag pa ni Trinidad, ang 18 nagpakilalang dating Marines na pina­testigo ni dating ­Senate President Alan Peter Ca­yetano sa flood control scam ay matagal nang natanggal sa serbisyo nang masangkot umano sa pagbubuhat ng mga maletang naglalaman ng pera na idini-deliver sa mga pulitiko at matataas na opisyal ng gobyerno.

Sa kanilang pahayag, iginiit ng mga nagpakilalang ex-Marines na sila’y nagsilbing bodyguard umano ni dating House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, na ngayo’y nagtatago sa ibang bansa matapos masangkot sa multi-bil­yong flood control mess.

Binigyang-diin ni Trinidad na ang mga aktibidad na kinasangkutan ng naturang mga testigo ay ginawa nila sa kanilang pribadong kapasidad at walang kinalaman ang AFP sa naturang usapin.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with