^

Punto Mo

Puwede bang tumanggi sa early retirement plan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

 

Dear Attorney,

Anim na taon na akong empleyado ng isang in-house BPO. Kamakailan lang nag-anunsyo ng early retirement plan ang kompanya, kung saan ilan sa amin ay maaring mapilitang mag-retire. Puwede ba kaming tumanggi at may magagawa ba kami? —Rick

Dear Rick,

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Pulong v. Super Manufacturing Inc. (G.R. No. 247819, October 14, 2019), hindi maaaring magpatupad ng sariling early retirement plan ang employer na hindi sinang-ayunan ng empleyado. Ang retirement ay itinuturing na “bilateral act” kaya dapat ang pagsang-ayon dito ng mga empleyado ay boluntaryo at walang pagpilit, lalo na kung ito ay magtatakda ng mga kondisyon o benepisyo na iba sa nakasaad sa batas.

Sa nasabing kaso ay pinilit na pinag-retiro ng maaga ang empleyado batay sa isang memorandum na hindi naman niya sinang-ayunan. Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang early retirement plan ay walang bisa kung walang voluntary consent o pagpayag mula sa empleyado. Hindi sapat na ito ay ipatupad lamang ng employer, dapat ay malinaw na pumayag ang empleyado ukol dito.

Kaya kung sakaling ipilit ang retirement plan kahit hindi naman kayo pumayag ukol dito, maaari ninyong igiit na ang isang retirement plan na hindi ninyo sinang-ayunan ay hindi dapat applicable sa inyo  lalung-lalo na kung magdudulot ito ng inyong maagang pagreretiro at kawalan ng trabaho.

Sa madaling sabi, hindi masasabing valid o may bisa ang retirement plan kung basta lamang itong ipinataw ng employer. Ang retirement ay dapat pinagkakasunduan, hindi ipinipilit kaya kung kayo ay ipagretiro ng maaga kahit labag ito sa inyong kagustuhan ay maaring kayong maghain ng reklamo sa NLRC upang maprotektahan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng ating batas.

BPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with