US binawi diplomatic, tourist visa ni Romualdez

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng isang opisyal ng pamahalaan na binawi na ng Estados Unidos ang diplomatic at tourist visa ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Ang pagbawi sa A-1 diplomatic visa at B1-B2 non-immigrant visa ng Leyte solon ay kinumpirma mismo ni Ambassador Jose Manuel Romualdez ng Philippine Embassy sa Washington DC.
Wala namang ispesipikong dahilan na ibinigay sa pagbawi ng mga visa ng mambabatas.
“It’s confirmed. We don’t have any other information,” aniya pa sa isang mensahe sa media.
Samantala, nilinaw naman kahapon ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila na ang impormasyon sa visa records at mga desisyon hinggil dito ay pawang confidential.
Ayon sa tagapagsalita ng embahada, dahil sa confidentiality, hindi maaaring magkomento ang US Department of State sa individual visa cases o ispesipikong aksiyon na ginawa nila.
Si Romualdez ay matatandaang kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
- Latest


















