Inflation kumalma sa 6.8% noong Mayo
MANILA, Philippines — Kumalma ang inflation sa Pilipinas nitong May 2026 bunga nang bumagal na pagtaas na halaga ng petrolyo at halaga ng mga pagkain sa naturang period.
Sa press briefing sa QC, sinabi ni National Statistician at Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa na ang inflation o antas ng pagtaas ng halaga ng mga pagkain at serbisyo ay bahagyang bumaba sa 6.8% noong May 2026, mas mababa sa 7.2% inflation noong April 2026.
“Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Mayo 2026 kumpara noong Abril 2026 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Transport na may 16.2% inflation rate,” ayon kay Mapa.
Nasa 21.4% ang Transport index noong Abril 2026. Ang Transport index ay may 70.3% na overall deceleration ng inflation rate sa bansa.
Sinabi ni Mapa na ang pagbaba sa Transport inflation ay dulot ng mabagal na pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina.
Ang Food at Non-Alcoholic beverages ay nagdala rin ng pagbaba sa inflation rate habang ang Housing, Water, Electricity, Gas at iba pang Fuel index ay may mas mababang rate na 7.8%.
Ang galaw naman ng presyo sa tinaguariang “food basket” na karaniwang binibili ng mga pamilya ay bumaba sa 5.8%, gulay sa 6.2%, isda sa 8.8% at karne sa -2.5%.
- Latest



















