^

Bansa

Cayetano: Palit liderato sa Senado, ilegal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Cayetano: Palit liderato sa Senado, ilegal
Sen. Alan Peter Cayetano on February 9, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pinanindigan ni Senate President Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang lehitimong pinuno ng mataas na kapulungan ng Kongreso at kinuwestyon ang legalidad ng pagpapalit ng liderato sa Senado.

Sa isang livestream, binigyang-diin ni Cayetano na walang bisa at labag sa Saligang Batas ang ginawang hakbang ng 12 senador dahil sa kawalan ng mayorya o quorum upang magpatupad ng pagbabago sa liderato.

Ayon kay Cayetano, kinakailangan ang boto ng 13 senador—ang itinuturing na mayorya sa kabuuang 24 na miyembro ng Senado—bago mapatalsik ang nakaupong opisyal o makapaghalal ng bago ayon sa nakasaad sa Konstitusyon.

“Paano nila aalisin si Sen. Loren Legarda kung 12 lang po sila?” giit ni Cayetano, na tumutukoy sa pinalitang Senate President Pro Tempore. “Wala silang 13. ‘Pag may 13 po sila, ako pa mag-vote sa kanila... Pero wala silang 13. You’re playing around with fire. This is not just about the Senate, this is about the Philippine Constitution.” ani Cayetano.

Inilahad niya na opisyal na nag-adjourn ang Senado noong nakaraang Martes matapos mag-walkout ang kabilang kampo, at nakarekord na magbabalik ang sesyon sa ganap na alas-5 ng hapon ngayong araw. Sinalungat niya ang katwiran ng kabilang panig na mayroon silang tinatawag na “continuing quorum.”

Paliwanag pa niya, sa ilalim ng Subparagraph C ng Section 4 ng mga panuntunan ng Senado, maaari lamang gampanan ng Pro Tempore ang pagiging acting Senate President kung ang nakaupong pinuno ay nag-resign, natanggal sa puwesto sa pamamagitan ng sapat na boto, namatay, o nakaranas ng absolute incapacity.

“Hindi po tayo nag-resign, removal—hindi po nila ako naalis. Buhay pa naman po siguro ako, hindi po AI ito... Absolute incapacity—siguro naman po nakikita niyo, nakakapag-isip po ako, nakakapagsalita po ako,” giit niya upang patunayang walang legal na batayan ang ginawang pagluklok sa mga bagong opisyal.

Ayon kay Cayetano, ang tunay na layunin ng pagbabago sa liderato ay upang harangin ang nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na flood control scam, kung saan nakatakda sanang imbitahan ang 18 miyembro ng Philippine Marines.

“Tomorrow, tuloy ang hearing ng Blue Ribbon Committee. You can try to stop us but you will be stopping the Filipino people,” aniya.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with