Pangulong Marcos sa mga Senador: ‘Get back to work!’

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules na bumalik na sa trabaho ang Senado matapos maantala ang mga plenary session dahil sa dalawang araw na hindi pagdalo ng majority bloc.
“Get back to work. Get back to work because it’s important, ang dami nating kailangang gawin,” sabi ni Marcos.
Ayon sa Pangulo, hindi sapat na dahilan ang paghatid sa isang senador para kanselahin ang sesyon. Binigyang-diin din niya na patuloy na gumagana ang dalawang sangay ng pamahalaan - ang Ehekutibo at ang Hudikatura. “Bakit ang lehislatura ay nagpasya na tumigil sa pagtatrabaho? Hindi ko maintindihan iyon,” aniya.
Bilang dating senador at kongresista, ipinaalala ni Marcos na bago kanselahin ang sesyon, dapat ipaalam ito sa kabilang kapulungan tatlong araw bago ang kanselasyon. “There has to be a very good reason for cancelling a session,” giit niya.
Ipinahayag ni Marcos na ang kaguluhan sa Senado ay direktang makakaapekto sa taumbayan dahil hindi maipapasa ang mga panukalang batas ng walang sesyon. Hindi aniya maisasagawa ang lahat ng ito kung pipiliin ng lehislatura na manatili sa bahay at magbakasyon, taliwas sa layunin ng mabuting pamamahala.
“I’m afraid whatever all these events that we have been witnessing has thrown the Senate and its leadership, the whole Senate, into disarray. It has discredited the leadership. It stopped the essential business of legislation in government,” dagdag niya.
Noong Lunes, hindi nagkaroon ng sesyon sa Senado matapos mag-boykot ang majority bloc kasunod ng pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder.
“It’s a very, very sad situation to have to watch. The country is in need of assistance. People are in need of assistance. How can we provide that assistance without the proper legislation to back it up?,” sabi pa ni Marcos.
- Latest




















