7 Pinoy seafarers sugatan sa Iranian drone attack
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) kahapon na pitong Pinoy seafarers ang nasugatan matapos ang isang Iranian drone attack sa Maltese-flagged container ship na CMA CGM San Antonio noong Martes.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, pitong tripulanteng Pinoy ang lulan ng naturang barko, na pawang nakaligtas naman sa pag-atake. Gayunman, pawang nasugatan ang mga ito at nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.
“All seafarers are okay. They are alive. They survived the attack,” ani Cacdac. “Four of them have relatively minor injuries, while three are in more serious condition and are being closely monitored.”
Naganap ang insidente habang dumaraan ang barko sa Strait of Hormuz.
Ani Cacdac, ang barko ay unang iniulat na isang French ship, ngunit natukoy ng Pilipinas na isa itong Maltese-flagged container vessel.
Tiniyak naman ni Cacdac na masusi nang mino-monitor ng mga opisyal ng Philippine embassy at ng labor attaché ang kondisyon ng mga tripulante Pinoy, at nakontak na ang mga ito sa pamamagitan ng hospital authorities.
- Latest























